-- Advertisements --

Kinumpirma na ng Manchester United na hindi tinanggal na nila sa kanilang koponan ang Portugal forward Cristiano Ronaldo.

Ang nasabig desisyon ay kasunod ng kontrobersiyal na panayam sa 37-anyos na football player kung saan binatikos nito ang koponan at manager na si Erik ten Hag.

Ayon sa koponan na nagkaroon ng magandang kasunduan sila ng manlalaro at napagpasyahan na maghiwalay.

Pinasalamatan ng koponan ang naging kontribusyon nito at ipagpapatuloy nila ang pangunguna sa laro sa ilalim ng kanilang coach na si Erik ten Hag.

Si Ronaldo ay naglalaro sa koponan ng Portugal ngayon sa FIFA World Cup sa Qatar at siya ang napiling captain sa Group H.