-- Advertisements --
Ibinahagi ng sexy actress na si Cristine Reyes ang muling pagkikita nila ng dating asawa na si Ali Khatibi.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan kasama ang dating asawa at anak na si Amarah.
Nagsama ang dalawa bilang pagsuporta sa mga aktibidad sa paaralan ng anak at sa mga sports na sinasalihan nito.
Magugunitang noong 2019 ng kumalat ang isyu ng paghihiwalay ng dalawa na hindi naman nila ito kinumpirma.
Sa ngayon ay nali-link ang actress sa actor na si Marco Gumabao.