Usap-usapan ngayon ng netizens ang tila paglamig ng relasyon nina Cristine Reyes at Marco Gumabao matapos mapansin na nag-unfollow na ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram.
Wala ring bagong posts mula sa kanilang mga social media accounts, dahilan upang maghinala ang publiko kung may pinagdadaanan ang celebrity couple.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na in-unfollow ni Cristine si Marco. Noong Agosto 2024, nag-deactivate si Cristine ng Instagram account sa mismong araw ng 30th birthday ni Marco, na lalong nagpaigting sa mga haka-haka ng hiwalayan.
Ayon sa kapatid ni Cristine na si Ara Mina, hindi ito dahil sa problema sa relasyon kundi dahil abala si Cristine sa shooting ng pelikulang The Kingdom, entry noon sa MMFF 2024′.
Ilang araw matapos ang isyu, nag-post muli si Cristine sa Facebook ng birthday greeting para kay Marco, kasama ang sweet photos nilang magkasama, na pansamantalang pinawi ang usap-usapan.
Ngayon, muling binuhay ng social media activity ang mga espekulasyon, lalo pa’t kasabay nilang nag-unfollow-an din sina Sofia Andres at Daniel Miranda, isa pang celebrity couple na walang linaw ang status sa ngayon.
Patuloy na kinukuha ng Bombo Radyo ang panig ni Cristine at Marco upang alamin ang totoong estado ng kanilang relasyon, ngunit wala pa silang tugon.
Samantala, si Cristine ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang adoptive father na si Demetrio Pascual nitong nakaraang linggo.