-- Advertisements --

Kinumpirma ng actress na si Cristine Reyes na na-aprubahan na ang annulment niya sa dating asawang si Ali Khatibi.

Sinabi nito na halos limang taon na silang naghiwalay ay naaprubahan na rin ng korte ang kanilang annulment noong nakaraang taon lamang.

Taong 2016 ng ikasal ang actress kay Ali at matapos ang tatlong taon ay naghiwalay sila kung saan mayroong silang anak na si Amarah na walong taong gulang na.

Sa kasalukuyan ay karelasyon ng actress ang actor na si Marco Gumabao.