Marami umanong natutunan si Cristine Reyes sa pagiging single parent niya na lamang sa ngayo’y anim na taong gulang na niyang anak.
Unang bes itong direktang pagtukoy ng 32-year-old sexy actress na hiwalay na sila ng napang-asawang Filipino-Iranian mixed martial arts fighter na si Ali Khatibi.
Ayon kay Cristine, napagtanto nito na kailangan niyang magbago partikular sa mas pagsisipag pa sa trabaho alang-alang sa anak.
Ito’y kahit pa nasanay na siya na mawalay nang matagal sa anak simula noong four months old pa lamang ito, hanggang sa dumating ang pandemic kung saan obligado siya sa mga lock in na tapings.
“Natuto na rin ako to live with it ‘coz I cannot do anything about it. I’m a working mom, I’m a single working mom. And also before the pandemic happened, I got to work abroad for the movie Untrue tapos threes weeks, so wala pang pandemic noon,” saad nito sa virtual mediacon ng bagong pelikula.
Noong 2019 nang tanging ihayag ni Cristine ay “civil” o mabuti ang pakikitungo nila ni Khatibi sa isa’t isa pero deny nor confirm pa kung hindi na naisalba ang married life.
“Well ideally, it (marriage) shouldn’t end. But it depends with the circumstances with, you know, whoever is married. But for me, ideally it’s not supposed to end, but if you’re not happy about it, you should do something about it,” saad nito sa dating panayam.