-- Advertisements --

May malaking pangangailan ngayon ang bansang Croatia ng mga manggagawang Pinoy para sa hotel industry.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), na karamihan sa mga bukas na trabaho ay ang housekeeper, front desk staff at iba pa.

Isasagawa ang pagkuha nila ng aplikante sa Croatia at sa Pilipinas.

Sinabi ni DMW undersecretary for policy and international cooperation Patricia Yvonne Caunan na maaaring magsimula ang pagkuha nila ng mga aplikante sa darating na buwan ng Abril at Mayo.

Pinaalalahanan din nito ang mga interesadong aplikante na suriing mabuti ang mga agency na kanilang pinupuntahan.