Pasok na sa quarterfinals ang Croatia matapos talunin ang Japan sa round of 16 ng FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar sa pamamagitan ng penalites.
Unang nakapagtala si Daizen Maeda ng ranked 24 na Japan sa loob ng 43 minuto ng first half sa laro na ginanap sa Al Janoub Stadium.
Pagpasok ng second half ay hindi huminto ang ranked number 12 na Croatia na maitabla ang laban kung saan pasok ang goal ni Ivan Penisic sa loob ng 55 minuto.
Matapos kasi na walang nakapuntos sa extra time ay doon na isinagawa ang penalty shootout.
Naging bayani sa laro ang goal keeper ng Croatia na si Dominik Livaković matapos na maharang ang tatlo sa apat na penalties ng Japan.
Naipasok ng Croatia ang tatlong penatly shot habang isa lamang ang naipasok ng Japan.
Nasa pangalawang puwesto sa Group F ang Croatia kung saan naging tabla sa 0-0 ang laban nila sa Morocco, panalo naman sila sa Canada 4-1 at nagtapos sa 0-0 draw ang laban nila sa Belgium.
Habang ang Japan ay number 1 sa Group E na panalo sila sa Germany 2-1 habang tinalo sila ng Costa Rica 1-0 at panalo naman sila sa Spain 2-1.