-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang southern Croatia.

May lalim na 10 kilometers ang nasabing lindol.

Dahil sa pangyayari ay isang 12-anyos na dalagita ang nasawi mula sa Petrinja.

Sinabi ng alkalde sa lugar na halos kalahati ng lugar ay nasira dahil sa lindol.

Naramdaman ang pagyanig sa Croatian capital na Zagreb, sa kalapit na Bosnia at Serbia.

Itinakbo sa pagamutan ang maraming mga nasugatang residente dahil sa pagyanig.