-- Advertisements --

Tinapos na ng Croatia ang tsansa ng Brazil na makuha ang kampeonato ng 2022 FIFA World Cup.

Ito ay matapos talunin ng ranked 12 na Croatia ang ranked number 1 na Brazil sa pamamagitan ng penalty shootout 4-2 sa laban na ginanap sa Education City Stadium.

Naging mahigpit ang laban ng dalawang koponan kung saan kapawa walang naitalang puntos sa first half.

Nakapagtala lamang ng unang goal ang Brazil sa pamamagitan ni Neymar sa loob ng 105 minuto ng extra time.

Hindi bumitiw ang Croatia at gumanti sila ng maipasok ni Bruno Petkovic ang goal nito sa oras na 116 minuto.

Dahil sa natapos ang 120 minuto na kapwa tabla ay isinagawa ang penalty shootout kung saan nakuha ng Croatia ang unang tsansa na magpenalty shootout.

Nakapasok ng Croatia ang unang penalty shootout hanggang mabantayan nilang mabuti ang Brazil na nagtapos ito sa 4-2.

Itinuturing na bayani ng laro si Dominik Livakovic ang goal keeper ng Croatia matapos maharang ang mga penalty shootout ng Brazil.

Labis na nagsaya ang mga nanood na fans ng Croatia dahil hindi sila makapaniwala na tinalo nila ang ranked number 1 at paboritong manalo na Brazil.

Hindi rin mapigilang mapaluha ni Neymar ang star player ng Brazil dahil sa kanilang pagkatalo.

Susunod na makakaharap ng Croatia ang sinumang manalo sa pagitan ng Argentina at Netherlands.