-- Advertisements --

Sinibak ni Croatian Prime Minister Andrej Plenkovic ang kaniyang Health Minister dahil umano sa kurapsyon.

Sinabi nito na tuluyan na niyang sisibakin si Health Minister Vili Beros matapos na maaresto sa ginagawang imbestigasyon ng Erupean Union.

Hindi na nagdalawang isip pa si Plenkovic na tuluyang sibakin ang kaniyang heatlh minister dahil sa ginamit nito ang posisyon sa personal nitong kapakanan.

Una ng sinabi ng European Public Prosecutor’s Office (EPPO) sa Zagreb ang capital ng Croatia na naglunsad sila ng imbestigasyon laban kay Beros at walong iba kasama ang ilang director ng pagamutan dahil sa money laundering.