-- Advertisements --
Nagposito rin sa coronavirus ang Croatian tennis star na si Borna Coric.
Sa kaniyang Twtiter account, kinumpirma nito ang pagpositibo sa virus.
Hinikayat niya ang mga nakasalamuha niya na sumailalim din sa COVID-19 testing para matiyak na hindi sila nadapuan ng nasabing virus.
Dagdag pa nito na kusa na siyang sasailalim sa quarantine.
Ang 33rd ranked in the world ay siyang pangalawang manlalaro na nagpositibo sa coronavirus matapos na dumalo sa tennis exhibition game sa Croatia.
Magugunitang unang kinumpirma rin ni Grigor Dimitrov na dumalo rin sa event ang pagpositibo niya sa nasabing virus.