-- Advertisements --

ILOILO CITY – Labis na nadismaya ang Finnish cross-country skier na si Remi Lindholm matapos nagkaroon ng frozen penis sa 50km mass start skiiing race sa 2022 Beijing Olympics.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jim Apelar, presidente ng Philippine Ski and Snowboard Federation, sinabi nito na isang oras at 16 na minutos na ininda ng kinatawan ng Finland sa skiiing race ang sakit matapos nagyelo ang kanyang ari kung kaya’t nasa pang 28 lang ito na pwesto.

Ayon kay Apelar, si Lindholm lang ang kaisa-isang skier na nagkaroon ng frozen penis kung saan mas lumala pa ito ng nilagyan niya nga heat pack ng matapos ang laro.

Anya, manipis lang ang suits at under-layers na sinusuot ng mga racers kagaya rin ni Pinoy skier Asa Miller kung saan prone rin ang mga ito sa frostbite.