-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Kanselado na rin ang mga crowd-drawing activities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Rehiyon Cordillera bilang pagsunod sa preventive measures laban sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio at DSWD-Cordillera regional director Leo Quintilla, hindi magsasagawa ang ahensiya ng family development sessions, pagsanay at pay-out ng mga benepisaryo.

Ipinaliwanag niyang magiging epektibo ang kanselasion hanggang sa walang bagong utos ukol dito.

Idinagdag niya na hindi maaapektuhan ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program dahil mayroong naman silang cash card kaya’t maaari pa rin nilang kunin ang kanilang financial assistance.