NEW JERSEY, USA – Bumagsak ang shares ng CrowdStrike ng 13% nitong Lunes, at nagpapatuloy pa ang down trend na pagkalugi.
Ito ay matapos i-downgrade ng mga analyst ng Wall Street ang stock dahil sa trade concerns tungkol sa epekto ng global cyber outage noong nakaraang weekend.
Matatandaang ang glitchy update ng CrowdStrike sa kanilang security software ay nag-crash ng mga computer na pinapagana ng operating system ng Microsoft Windows, na nagdulot ng pagkaantala sa mga serbisyo ng internet sa buong mundo at nakaapekto sa iba’t ibang industriya kabilang ang mga airline, banking, at healthcare.
Sinabi ng Microsoft na nasa 8.5 milyong Windows devices, o mas mababa sa 1% ng lahat ng Windows machines, ang naapektuhan.
Bagaman inaasahan ng mga analyst na makakabawi ang CrowdStrike mula sa insidente dahil sa kanilang nangungunang posisyon sa industriya, nananatili ang mga cencerns tungkol sa pinsala sa reputasyon, epekto sa mga bagong kontrata ng customer, kompetisyon, at posibleng mga legal charges.