Todo pasasalamat sa kanyang mga magulang ang bagong emperador ng Japan na si Crown Prince Naruhito dahil umano sa tapat na paglilingkod ng mga ito sa sambayanan sa loob ng tatlong dekada ngunit inamin niya rin ang pag-aagam agam dahil sa bago niyang posisyon.
Ito ay kasunod ng pormal na pagtatalaga rito bilang bagong emperor ng bansa matapos ang pagbibitiw sa tungkulin ng kanyang ama na si Former Emperor Akihito.
Sa kabila nito ay nangako si Naruhito na tutuparin niya ang kanyang tungkulin bilang simboolo ng pagkakaisa ng Japan at sambayanan alinsunod sa konstitusyon.
Hindi naman pinayagan na dumalo sa accession ceremony na ito ang asawa ni Naruhito na si Empress Masako dahil na rin sa tradisyon ng Japanese monarch.
Umaasa naman ang nakararami na mas lalo pang gaganda ang pamamahala nito sa bansang Japan.
Si Former Emperor Akihito ang kauna-unahang pinayagan ng Japanese monarch na bumaba sa puwesto sa loob ng halos dalawang siglo.