Binakunahan din ng potensyal na COVID-19 vaccine ang Crown Prince ng Bahrain na si Salman bin Hamad al-Khalifa na bahagi ng phase 3 trials sa nasabing bansa.
Batay sa ulat, ang clinical trials ay isinasagawa ng Abu-Dhabi-based na G42 Healthcare gamit ang vaccine na dinevelop ng Sinopharm CNBG, na ikaanim sa pinakamalaking producer ng bakuna sa buong mundo.
Inilunsad ng Sinopharn, na isang Chinese state-owned pharmaceutical company, ang phase 3 trial ng kanilang coronavirus vaccine sa United Arab Emirates katuwang ang G42 noong Hunyo.
Si Al-Khalifa ay kabilang sa 6,000 volunteers na lalahok sa trials na pinili mula sa mga nakapasa sa kinakailangang medical criteria.
“I was privileged to stand together with our vaccine volunteers, each one of them determined to play their part in working to protect others, not just at home in our Kingdom, but right across the globe,” pahayag ni al-Khalifa. (CNN)