-- Advertisements --
SAUIDI DEBRIS UAV MISSILES
Saudi Arabia Defence Ministry displays missile and drone debris from Saudi Aramco attacks

Inilabas na ng Saudi Arabia Defence Ministry ang mga piraso ng mga drones at cruise missiles na ginamit sa pag-atake sa oil plantation na Saudi Aramco.

Sinasabing gumamit ng 18 drones at pitong cruise missiles na mula sa Iran ang mga Houthi rebels.

Kabilang sa ipinakita ay ang debris na mula sa Delta wing ng Iranian UAV o unmanned aerial vehicle.

Iginiit ng Defence Ministry ng Saudi na may kinalaman ang Iran sa nasabing atake.

Sa ngayon inaalam pa umanong mabuti ng mga otoridad sa Saudi kung saan ang eksaktong inilunsad ang mga missiles.

Sa press conference ng Saudi defence ministry spokesperson Col. Turki al-Malki, binigyang diin nito na ang pag-atake sa kanila ay hindi nagmula sa bahagi ng Yemen.

Ayon sa kanya ang paggamit ng Iranian cruise missiles at drones ay nagpapakita lamang na “systematic” at ang intensiyon talaga ay manira ng mga civilian infrastructure.

Samantala tinawag naman ni US Secretary of State Mike Pompeo ang nasabing pag-atake sa oil facilities ay isang uri ng “act of war.”

“This was an Iranian attack,” ani Pompeo sa mga reporters bago ang pag-landing sa western city ng Jeddah kasabay nang pagsabi na ang pangyayari ay “an act of war.”

Nasa Saudi ngayon si Pompeo na nakikipag-ugnayan kaugnay sa ginagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

Tiniyak naman ni US President Donald Trump na handa silang tulungan ang Saudi Arabia sakaling lumala ang kaguluhan sa rehiyon.

SAUDI DEBRIS MISSILES
SAUDI ATTACK
Saudi Arabia Defence Ministry displays missile and drone debris from Saudi Aramco attacks