KALIBO, Aklan – Habang wala pang ipinalabas na kautusan ang Department of Tourism (DOT) ukol sa balak nitong pagbawal sa pagbisita ng mga cruise ship sa isla ng Boracay, isa na namang cruise liner ang dumaong lulan ang libo-libong mga turista.
Ikinagalak ng 2,000 pasahero na pawang mga Chinese national at 1,000 crew ng MS Voyager of the Seas ang mainit na pagsalubong sa kanila ng Ati-atihan tribe, ilang kawani ng DOT, Aklan Provincial Government at Local Government Unit (LGU)-Malay sa Cagban Port sa naturang isla.
Labis naman ang saya ang mga dayuhang turista sa paglalakad sa long white beach, pagpasok sa mga souvenir shops at pagsagawa ng island hopping activities.
Ang naturang cruise ship ay naglayag mula sa bansang Singapore upang libutin at ipasyal ang mga pasahero nito sa iba’t ibang magagandang tanawin sa buong mundo.