BUTUAN CITY – Patungong Bahamas na ang luxury ship na Carnival Sensation ng Carnival Cruiseline matapos matiyak na COVID-19 free ito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng Butuanon crew na si Joan Bayer-Villaces na umabot sa 2,600 mga pasahero ang lulan ng nasabing cruise ship at ‘di pa kasali dito ang 900 mga crews nang sila’y maglayag.
Nang tumama ang pandemic sa iba’t ibang bahagi ng mundo noong Marso 14 ay kaagad silang bumalik sa home port nila sa Miami, Florida, USA at sumailalim sa 14-day quarantine.
Matapos ang iba’t ibang schedule ng pag-quarantine at nalamang negatibo silang lahat mula sa nakamamatay na sakit ay saka na pinababa ang lahat ng mga pasahero pati na ang 500 nilang mga kasamahang tripulanteng Latin Americans at Europeans habang naiwan silang mga Asian at kasamahan pa na mga Carribeans.
Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ay nagdesisyon ang kanilang ship captain na Italian na sa laot lamang sila nakaangkorahe hanggang sa pinayagan na silang muling maglayag patungong Bahamas upang doon na bababa at mag-aantay sa kanilang para sa susunod nilang assignment.