-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pansamantalang isinara ngayon ang mga opisina ng Civil Service Commission (CSC) Davao region.

Itoy matapos nag-positibo sa Covid 19 ang isa sa kanilang mga Regional staff.

Batay sa report, temporaryong isinara ang mga Regional Offices ng CSC – Davao Region at ang mga field Offices ng naturang tanggapan dito sa Lungsod ng Dabaw, at kalapit na mga probensiya ng Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro at Davao Oriental.

Layunin nito na ipatupad ang mga health measures upang hindi na kumalat ang virus at makahawa pa sa iba. Kaagad namang nagsagawa ng disinfection sa naturang tanggapan, habang mahigpit naman na ipinatupat ang monitoring ng mga empleyado sa kanilang kalusugan.

Hiningi naman ng CSC – Davao Region ang pang-unawa ng kanilang mga kliyente at ipinangako na ipatutupad nito ang mga safety procedures.