Tuluyan ng kinansela ng Civil Service Commission (CSC) ang written career service examination ngayon taon dahil sa coronavirus pandemic.
Sa inalabas na abiso ng CSC, na dahil sa pinagbabawal ang mga mass gathering at hirap na transportasyon kaya minabuti na nilang kanselahin ang mga sumusunod na pagsusulit.
Fire officer examination, Penology Officer Examination, Basic Competency on Local Treasury Examination na gaganapin sa June 21.
Kanselado rin ang Career Service Examination- PPT (Professional) at Career Service Examination-PPT (SubProfessional).
Maging ang Intermediate Competency on Local Treasury Examination, Pre-Employment Test, Promotional Test, Ethic-Oriental Personality Test sa Oktubre 11 ay kanselado na rin.
Itinakda naman sa 2021 ang nakanselang Professional at Subprofessional CSE-PPT na itinakda noong Marso 15.