-- Advertisements --

Magsasagawa ng nationwide job fair ang Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay CSC chairperson Karlo Nograles, na isasagawa ito mula Setyembre 2 hanggang 6 kasabay ng kanilang ika-124 na Philippine Civil Service Anniversary.

Dagdag pa ng opisyal na ang pagdiriwang ay hindi lamang sa CSC kung hind lahat ng mga government agencies at 1.9 milyon na civil servants sa buong bansa.

Ang job fair ay dadaluhan ng national government agencies, local government units, state at local univeristies and colleges ganun din ang mga government-owned and controlled corporations.

Gaganapin ito sa iba’t-ibang malls at civic centers sa bansa.