LEGAZPI CITY- Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) na mananagot sa batas ang mga kawani ng pamahalaan na gumagamit ng impluwensya at koneksyon upang makakuha ng bakua laban sa COVID-19.
Ayon kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, may hierarchy o prayoridad ang pamahalaan kung sino ang unang mababakunahan kaya hindi dapat samantalahin ang posisyon upang makakuha ng COVID-19 vaccine.
Mahigpit aniyang binabantayan ang pagkakaroon ng padrino system sa mga ito upang magkaroon ng pantay na oportunidad na makapag-access ng bakuna ang lahat ng Pilipino.
Samantala, nilinaw ni Lizada na wala pang kumpirmasyon sa lumabas na impormasyon na umanoy may ilang kawani ng pamahalaan ang nagpabakuna na sa labas ng bansa.
Aniya patuloy na iniimbestigahan ang isyu kasabay ng pagbibigay diin na kaiangang sundin ang mga patakaran ng Inter-Agency Task Force upang maipakita sa publiko na sumusunod sa batas ang mga government employees.