-- Advertisements --

Pinapayagan ng Civil Service Commission (CSC) ang pagliban sa trabaho ng mga empleyado ng gobyerno na sumasailalim ng quarantine, isolation, treatment matapos dapuan ng COVID-19.
Sa resolusyion na inilabas ng CSC, na ikinokonsidera nila ito para hindi na makahawa pa sa ibang mga empleyado.
Papayagan din nila ang work-from-home arrangement ng mga empleyado ng gobyerno.
Nakasaad din sa CSC Resolution 2101122 ang panuntunan sa paggamit ng leave of absences dahil sa COVID-19 quarantine.
Kapag gumaling na sila ay dapat magsumite ang mga empleyado ng certification of completion of quarantine at medical certificate na nagsasabing maaari na silang makabalik sa trabaho.