-- Advertisements --
Isinusulong ngayon ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada ang pagbabawal sa mga “front liners” na empleyado ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na gumamit ng kanikanilang mga cellphones tuwing oras ng trabaho.
Nabuo raw ni Lizada ang ideyang ito kasunod ng kanyang mga natuklasan sa pagbisita niya sa mga ahensya ng pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kamakailan.
Ilang beses nang nagsagawa ng surprise inspections si Lizada sa mga government offices para alamin kung nagtatrabaho nga ba ang kanikanilang mga empleyado.
Kasabay nito ay pinaalalahanan niya ang mga empleyado ng pamahalaan na maging responsable at gampanan ang kanilang trabaho dahil magandang sahod naman ang mga natatanggap ng mga ito.