-- Advertisements --
Isinisi ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na standard na ipinapatupad ng ilang ahensiya ng gobyerno kaya nagkakaroon ng maraming bakanteng trabaho.
Sinabi ni CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, naglalagay sila ng minimum standard qualifications sa trabaho subalit binabago ito ng mga ahensiya kay hirap silang makakuha ng mga bagong empleyado.
Pinayuhan na lamang niya ang ilang ahensiya ng gobyerno na dapat bisitahin at baguhin ang paglalagay ng standard sa pagkuha ng bagong empleyado para mapunan ang mga bakanteng posisyon.
Base sa talaan ng Department of Budget Management (DBM) mayroong 204,275 ang backlog na hindi pa napunan.
Karamihan sa mga dito ay sa Department of Education, Department of Finance at Department of Health.