-- Advertisements --

Suportado ng Civil Service Commission (CSC) ang batas na nagbibigay ng karagdagang bayad sa mga kawani ng gobyerno na nagtatrabaho sobra sa itinakda nilang oras.

Ito ay matapos na maipasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang batas na nagbibigay ng night differential pay ng hanggang 20 percent ng kanilang hourly rate mula 6 p.m. hanggang 6 a.m.

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada, na mabebenipisyuhan dito ang mga night shift workers gaya ng anti-narcotics agents at Customs and Immigration personnel.

Labis din ang kasiyahan ang nabanggit na mga kawani ng gobyerno dahil mapapawi ang kanilang pagod sa pagtatrabaho tuwing gabi.