-- Advertisements --

Tinawag ni US President Joe Biden na isang bigong estado ang Cuba habang bigong sistema naman ang komunismo dahil sa patuloy na nagaganap na kilos protesta.

Sinabi nito na gagawa sila ng paraan para makabalik ang internet sa nasabing bansa subalit hindi ang pagbabalik ng remittances ng US sa Cuba.

May mga paraan aniya ang US na kinokonsidera para tulungan ang nasabing bansa.

Magugunitang sumiklab ang kilos protesta sa Cuba dahil sa kakulangan ng mga pagkain at ang mahinang paghawak ng gobyerno ng COVID-19 pandemic.