-- Advertisements --
Hinirang ni Cuban President Miguel Diaz-Canel ang unang prime minister ng bansa sa loob ng 40 taon.
Sa katauhan ni Manuel Marrero Cruz ay siyang naging kauna-unahang prime minister mula ng tanggalin ang nasabing posisyon noong 1976 ng dating revolutionary lider na si Fidel Castro.
Magiging trabaho ng 56-anyos na si Marrero ang ilang responsibilidad na para sa pangulo.
Ang appointment ni Marrero ay napagkasunduan ng mga deputies sa isinagawang National Assembly.