-- Advertisements --
Nakaranas ng malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente ang Cuba.
Ito ay matapos ang pagpalya ng isa sa mga pangunahing power planta ng isla.
Ayon sa energy ministry ng Cuba na dahil sa hindi gumana ang Antonio Guiteras Power Plant ay hindi nakapagsuplay ito ng kuryente sa National Electrical System ng Cuba.
Dahil dito ay kinansela nila ang mga pasok sa paaralan at mga opisina.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente dahil noong nakaraang mga linggo ay nakaranas din ang mga mamamayan ng Cuba.
Isinisi naman ni Cuban Prime Minister Manuel Marrero Cruz na ang ipinataw na economic sanctions ng US sa kanila ang siyang dahilan ng nasabing pagkawala ng suplay ng kuryente.