-- Advertisements --

Target ng Cuba na mabigyan ng booster shots COVID-19 ang buong populasyon nila sa buwan ng Enero.

Ang nasabing hakbang ay para mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.

Ayon kasi sa Health authorities na mayroong 35 percent na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ng naitala sa loob ng isang linggo.

Sinabi naman ni Health Minister Jose Angel Portal Miranda na ang patuloy na pagsipa ng Omicron coronavirus variant ay siyang dahilan ng kanilang pagpapabilis ng booster campaign sa mga eligible na mamamayan nila.

Umabot na kasi sa 1.5 milyon ang kanilang nabakunahan ng booster sa capital ng bansa na Havana.