Sisimulan na ngayong buwan ng Cuba ang final trials ng sariling bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay ang Soberana na spanish word na sovereignty, Abdala na hinango sa isang tula na gawa ni Cuban revolutionary icon Jose Marti at ang Mambisa na tawag sa mga Cuban guerillas na lumaban sa Spain para makamit ang kanilang kalayaan.
Ayon kay Dagmar Garcia Rivera isang researcher ng Finlay Institute for Vaccine sa bansa , nais nilang malaman ang efficacy ng mga bakuna nilang ginawa.
Kapag magtagumpay sila ay sisimulan na nila ang pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna sa Cuba at sa ibang bahagi ng bansa.
Mayroong 44,000 katao ang isasailalim sa trial ng Soberana-02 vaccine na gawa nila.
Nakagawa aniya na sila ng mahigit 300,000 na bakuna at kanilang dadagdagan ang paggawa kapag lumabas na epekitbo at ligtas ang Soberana-02.
Napili nila ang Iran at Mexico kung saan isinagawa ang unang trial ng nasabing mga bakuna.
Umaasa sila na mabakunahan ang 11 milyon na populasyon ng Cuba hanggang sa katapusan ng taon.
Nauna rito noong Pebrero kasi ay nagtala ang bansa ng 7642 na bagong kaso ng COVID-19 na mayroong 18 namatay.
Magugunitang nagpatupad ng US ng comprehensive economic embargo sa Republic of Cuba noong Pebrero 1962 kung saan idineklara ni President John F. Kennedy ang embargo trade sa pagitan ng US at Cuba.