-- Advertisements --

Nagbabala ang Diocese of Cubao kaugnay sa isang pari na na-dismiss noong 2008 kung saan ay nagdiriwang pa rin ng misa.

Si Rico Sabanal, dating paring Carmelite, ay na-dismiss sa congregation noong Agosto 30, 2008 dahil sa paglabag sa Canon 694, Section 2 (nakipagkontrata sa kasal o nagtangka nito, kahit sibil lamang).

Nauna nang nakasaad ang mga circular noong Agosto 18, 2010 at Abril 27, 2016 tungkol sa katayuan ni Sabanal.

Sinasabing, si Sabanal ay iniimbitahan na magdiwang ng misa sa mga tanggapan ng Quezon City Hall, iba’t ibang parokya, at kapilya sa loob ng Diocese ng Cubao.

Base sa circular na nilagdaan noong Pebrero 4 ni Fredrick Edward Simon, Cubao diocese chancellor na dapat iwasan ang pag-imbita sa kanya at ipaalam sa mga parokyano at ipalaganap ang impormasyong ito sa Administrator/Officer in-Charge ng mga kapilya, funeral chapel, paaralan, ospital, gobyerno at pribadong opisina na nasa loob ng nasasakupan.

Iginiit ng Diocese na si Sabanal ay “hindi na isang Pari ng Romano Katoliko at walang priestly faculty para magsagawa ng anumang mga gawaing panrelihiyon saanman sa Pilipinas”