Sa gitna ng nagpapatuloy na labanan sa Sudan sa pagitan ng paramiltary group na Rapid Support Forces (RSF) at Sudanese army na sumiklab noong kalagitnaan ng Abril ng kasalukuyang taon, ilang mahahalagang cultural treasures ang winasak ng RSF.
Kabilang dito ang mahahalagang historical sites gaya ng Omdurman old market ang nasunog sa labanan sa Nile metropolis.
Napinsala din ang Mohamed Omer Bashir Center for Sudanese Studies na isang libarary sa Omdurman Ahlia University at isa sa pinakamahalagang source ng written heritage sa Sudan kung saan nawala kasabay ng pagkasira ng site ang handwritten manuscrips at natatanging mga libro.
Nawasak din ang National Museum sa Khartoum at mga exhibit kabilang ang ancient mummies.
Naniniwala si Hamid Bakheet, isang poet at miyembro ng Sudanese Writers’ Union na sinadyang sirain ng RSF ang mga nasabing heritage sites sa pagtatangkang burahin ng tuluyan ang historical facts at lumikha ng bagong era na kanilang sisimulan.
Una rito, ang Sudan ay mayroong mayamang kasaysayan kung saan mayroong 200 pyramids sa naturang bansa pa lamang halos doble sa mayroon ang karatig bansa nitong Egypt.
Sa kasalukuyan, mula ng nagsimula ang labanan, pumapalo na sa mahigit 850 sibilyan ang napatay at mahigit 3,500 katao ang nasugatan.