CENTRAL MINDANAO-Aprubado na sa Provincial Government at Cotabato Inter-Agency Task Force on Covid 19 ang pagbabago sa curfew hours sa probinsya.
Ito ang kinomperma ni IATF Cotabato Spokesman at Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan.
Mula 9pm-5am, ito ay magiging 12midnight-4am.
Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng probinsya sa mga business establishments tulad ng barbeque stalls, balutan, restaurants, fastfoods, gyms at iba pang sports facilities.
Kailangan nila ng mas mahabang operating hours para hindi bumagsak ang mga negosyo nila at may legal na basehan na para matugunan kahilingang ito.
Sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ, mas praktikal at mas mainam kaysa sa paggamit ng barrier ang pagkakaroon ng full-helmet policy para sa driver at angkas.
Mas mataas ang posibilidad na maiwasan ang transmisyon ng virus kung sasamahan ng face shield ang mandatory face mask sa mga pampublikong transportasyon tulad ng tricycle at multicab, at sa mga pampublikong lugar.