-- Advertisements --

Ipinapatupad ang gabi at araw na curfew sa mga naapektuhan ng wildfire sa Palisades at Eaton area.

Layon nito ay para mabantayan ang mga indibidwal na nagnanakaw habang kasagsagan ng sunog.

Tiniyak naman ni LA Mayor Karen Bass na kanilang ibabangon ang lahat ng mga natupok ng malaking sunog.

Nasa 10 katao na ang nasawi at halos 200,000 na mga residente na rin ang kanilang pinalikas.

Itinuturing naman ni US President Joe Biden na ang pangyayaring wildfire na sunog ay parang eskena sa giyera na maraming mga kabahayan at ari-arian ang natupok.

Pagtitiyak din nito na nakahanda na ang tulong ng kanyiang gobyerno sa mga biktima ng sunog.

Naniniwal ang US President na ang pangyayari ay dahil sa epekto ng climate change.