-- Advertisements --

Magpapatupad ng curfew ang gobyerno ng Sri Lanka.

Kasunod ito ng walong pagsabog na naganap na ikinasawi ng halos 200 katao.

Sinabi ni junior defense minister Ruwan Wijewardene na kanila ito ipapatupad hanggang tuluyang maging kalmado ang sitwasyon.

Bukod sa curfew ay pinagbawalan na rin nila ang paggamit ng mga social media para maiwasan ang misinformation at mga tsismis.

Magugunitang ginulantang ng walong pagsabog na pinuntirya ang simbahan at mga hotel.