-- Advertisements --

DAVAO CITY – Palalakasin ng Davao City Police office (DCPO) ang curfew para sa mga menor de edad sa Davao city.

Ito ay ayon kay DCPO City director Police Col. Alberto Lupaz.

Ayon kay Lupaz, layunin ng hakbang na maiwasan ang pagala ng mga menor de edad sa gabi.

Dagdag pa ng opisyal, maglalabas ito ng memorandum sa mga station commander ng bawat istasyon na palakasin ang pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad para maiwasan ang anumang krimen o kidnapping.