ILOILO CITY – Ibabalik na ang curfew sa lungsod ng Iloilo kaugnay ng pagsailalim sa lungsod sa Alert Level 3 epektibo sa Enero 9 na magtatagal hanggang sa Enero 15.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na lilimitahan na rin ang capacities sa mga opisina, religious gatherings, at mga restaurants.
Sa ngayon, pinagbabawalan na na lumabas at pumasok sa mga mall ang mga indibidwal edad 11 taong gulang pababa at 65 anyos pataas.
Bawal na rin ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.
Posible ayon sa alkalde na ang biglaang pagtaas ng Covid-19 cases ay bunga na ng Omicron variant ng Covid-19.
Napag-alamang may active case ng Omicron variant sa Iloilo City matapos nagpositibo sa nasabing variant ang seafarer mula Kenya na umuwi sa lungsod .