-- Advertisements --

Naniniwala si Metro Manila Council chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang pinakamainam na oras para sa curfew sa National Capital Region ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Paliwanag ni Olivarez, ito raw ay upang bigyang konsiderasyon ang mga nagtatrabaho sa Business Process Outsourcing (BPO) industry.

Hindi na rin aniya kailangan pang ibalik ang dating polisiya na isa lamang kada household ang papayagang lumabas upang bumili ng pagkain o gamot.

Ayon kay Olivarez, hirap pa rin daw kasi ang ekonomiya at mga negosyo na makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Mamayang gabi ay nagpupulong na ang mga Metro Manila mayors tungkol sa isyu ng curfew, maging sa isa pang usapin kaugnay sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Kalakhang Maynila.