-- Advertisements --

Ipinatupad na ang bagong curfew sa Paris at walong iba pang mga lungsod sa France dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng coronavirus.

Ipapatupad ang nasabing curfew ng hanggang isang buwan mula alas-nuebe ng gabi hanggang ala-sais ng umaga.

Maraming mga negosyante ang umaray sa nasabing bagong curfew dahil lubos na ang kanilang pagkalugi sa naunang ipinatupad na lockdown dalawang buwan na ang nakakalipas.

Isa kasi ang Italy sa European country na labis na tinamaan ng COVID-19 sa first wave.

Nakatakda ring mag-anunsiyo si Italian Prime Minister Giuseppe Conte ng panibagong restrictions.