BACOLOD CITY – Pinaprusisyon ng mga otoridad sa Sagay City, Negros Occidental ang mga violators ng curfew na ipinapatupad bilang bahagi ng enhanced community quarantine kaugnay sa coronavirus disease.
Sa data na inilabas ng Sagay City Police Station, siyam na mga persona ang pinaprusisyon kagabi sa mga kalye sa lungsod.
Ang mga ito ay nahuling namamasyal kahit nagsimula na ang curfew hours, walang home quarantine pass at walang suot na face mask.
Sa halip na isakay ang mga ito sa sasakyan, pinalakad ang mga inaresto na may ilang metrong distansya sa bawat isa habang nakahawak ang mga ito sa lubid at may bitbit na kandila.
Sila ay dinala sa gym ng Barangay Poblacion at nag-vigil sa kabaong na walang lamang bangkay.
Makalipas ang 12 oras, pinauwi na rin ang mga curfew violators.
Mula nang ipinatupad ang ECQ, umaabot na sa 250 ang nahuling curfew violators sa lungsod ng Sagay.
Karamihan sa mga ito ay mga first timer na curfew violators.