-- Advertisements --

Tiyak ng makakakuha ng makasaysayang medalya sa Asian Winter Games ang curling team ng bansa.

Pasok na kasi safinals ang mga Pinoy curlers na binubuo nina Marc at Enrico Pfister, Christian Haller at Alan Frei sa Asian Winter Games na ginaganap sa Harbin, China.

Tinalo nila ang host country na China 7-6 para tuluyang makapasok na sa finals kung saan tiyak na ang silver medal sa kanila at kung palarin ay gintong medalya pa.

Makakaharap ng Pilipinas ang South Korea sa finals ngayong gabi ng Biyernes.

Tinambakan ng South Korea ang Hong Kong sa score na 13-2 sa kanilang semifinals match.

Bago makapasok sa semis ang curling team ng bansa ay tinalo muna nila ang Japan 10-4.