Lumagda sa isang kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa paglilipat ng Currency Production Facility ng BSP sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Pumirma sa memorandum of understanding (MOU) sina BSP Governor Benjamin Diokno at BCDA president and CEO Vivencio Dizon nitong araw ng Biyernes.
Sa ilalim ng MOU, magtutulungan ang dalawang ahensya ukol sa pagtatayo ng bagong pasilidad sa loob ng National Government Administrative Center (NGAC).
Ayon kay Diokno, mahalaga ang pasilidad upang maitaas ang produksyon ng pera upang maabot ang mga demands ng lumalagong populasyon ng ekonomiya.
“It is crucial for the BSP to maintain a currency production facility that will allow sufficient agility to meet the country’s currency requirements. The move to the New Clark City will also boost the Bank’s capacity to sustain its operations in times of calamity or natural disaster,” ani Diokno.
Paliwanag pa ng opisyal, magandang lokasyon ang New Clark City upang mapanatili ang kanilang operasyon sa oras ng kalamidad.
Sa kasalukuyan, matatagpuan ang currency production facility ng Bangko Sentral sa Quezon City.