Nais ng ilang mambabatas na kumpletohin at mas pagtibayin pa ang curriculum ng National Academy of Sports System o ang Republic Act (RA) 11470 bago ang implementasyon nito.
Ito ay upang masiguro na mayroong naka abang na programa sa kolehiyo para sa mga mag aaral na sports track ang pinili sa high school.
Ayon kay National Academy of Sports System Executive Director Prof. Josephine Joy Reyes, sinisiguro niyang matatapos ang curriculum para sa Junior High School ngayong taon at senior high school naman sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa grade 7 at 8 pa pa lamang ay mayroong curriculum.
Ngunit sa kabila nito ay mayroon nang 117 na mag aaral ang nag enroll sa programa ng National Academy of Sports System sa aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, taekwondo, at weightlifting.
Para naman kay Pasig City Rep. Roman Romulo mas maganda umano na kung mapapadali ang pag buo ng curriculum.
Ang pagkumpleto umano sa curriculum ay magkukumbinsi sa Department of Education na gamitin ito para sa mga mag aaral.
Layunin ng National Academy of Sports System na mabigyang tuon ang mga mag aaral na mahilig sa sports at mabigyan sila ng kalayaan na piliin ang sport kung saan sila magaling at nag eexcel.
Ipinaliwanag pa ni National Academy of Sports System Director Reyes na magdaragdag pa ng ibang programa dito kasabay ng pagpapalawig ng curriculum nito.