-- Advertisements --

Nagpahayag ng kasabikan sina NBA superstar LeBron James at Stephen Curry na magsanib puwersa para sa Paris Olympics.

Sinabi ni USA coach Steve Kerr, nananatili sila ng makukuha nila ang gold medal ng Olympics na kanilang hawak sa loob ng limang taon.

Isasantabi umano ng dalawa ang pagiging magkatunggali sa NBA sa 52 games nilang paghahara sa loob ng 15-taon.

Mayroong 29-23 winning record si Curry laban kay LeBron sa NBA na mayroong 17-11 record playoff meeting.

Noong nakaraang season din na maituturing na games of the year ang pinagsamang 82 points sa double-overtime thriller ng talunin ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors 145-144.

Sa susunod na linggo ay magsisimula ang kanilang training camp sa Las Vegas bago magsagawa ng warm-up games sa laban sa Canada sa Hulyo 10.

Magsasagawa rin ang USA team ng pre-Olympic games sa Abu Dhabi at London bago ang pagsisimula ng group game sa Olympics laban sa Serbia sa Hulyo 28.

Kasama nina James at Curry sa Team USA sina Kevin Durant, Anthony Davis, Anthony Edwards, Jayson Tatum at Joel Embiid.

Ipinagmalaki pa ni Kerr na ang kanilang manlalaro ay puno ng mga nakamit na tagumpay sa mga laro at sila ay gutom pa sa mga panalo.