-- Advertisements --

Inilampaso ng Golden State Warriors ang Orlando Magic, 126-95.

Ang panibagong panalo ng Warriors ay lalong nagpatibay sa kanilang pagiging top team sa NBA na may 20 wins at apat pa lamang ang talo.

Lalo namang lumapit si Stephen Curry sa pagiging NBA’s all-time leader sa 3-pointers nang tumipon ng pitong 3-points mula sa kabuuang 31 points at walong assists.

Batay kasi sa NBA record hawak ng retired na si Ray Allen ang pagiging all-time leader sa 3-point area.

Samantala, malaking tulong din ang ginawa ni Andrew Wiggins nang kumamada ng 28 points kasama na ang career-high din na walong 3s.

Lalo namang nasadlak sa pangungulelat ang Orlando Magic sa 5-20 win-loss record.