-- Advertisements --

Binabalak umano ni Golden State Warriors guard Stephen Curry na maglaro para sa Team USA na sasabak sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Isa si Curry sa unang mga players na nag-commit mula nang umuwi ang koponan ng Estados Unidos matapos ang nakakadismaya nilang performance sa FIBA World Cup sa China.

“That is the plan, for sure,” wika ni Curry. “You know, obviously knock on wood, you don’t want any injuries or things like that to interfere.”

Hindi pa kailanman napapabilang ang two-time NBA MVP sa isang Olympic team.

Gayunman, nakasungkit ito ng dalawang gintong medalya sa paglalaro nito para sa USA noong 2010 at 2014 World Cup.

“But the Olympics is the experience that I want. And next year will hopefully be it,” ani Curry.