-- Advertisements --

Lumahok sa “Walking in Unity” protest sa Oakland, California nitong Miyerkules (Huwebes, oras sa Pilipinas) si Golden State Warriors All-Star point guard Stephen Curry.

Maliban kay Curry, nakisali rin sa kilos protesta ang kanyang mga teammates na sina Klay Thompson, Juan Toscano-Anderson, Kevon Looney, at Damion Lee, maging ang kanyang asawang si Ayesha Curry at bayaw nito.

Batay sa ilang social media posts ng Warriors, si Toscano-Anderson ang nag-organisa ng rally na umikot sa Lake Merritt, kung saan isinagawa ng koponan ang kanilang championship parade at mga rally nitong mga nakalipas na taon.

“No matter the color of your skin, how much money you got, your education, it don’t matter. We’re all human beings,” wika ni Toscano-Anderson. “We’re all here for the same purpose — not just for black people. Right now it’s about black people, but for humanity. There’s people all over the world being oppressed. And we’re just trying to take a step in the right direction and start something — me and my boys, my brothers. Thank you guys for being here.”

Ang nasabing protesta ay kaugnay pa rin sa naging pagkamatay ng Black American na si George Floyd noong nakalipas na linggo sa Minneapolis.

Matatandaang niluhuran si Floyd sa leeg ng pulis sa Minneapolis na si Derek Chauvin ng mahigit sa walong minuto.