Hindi pa man nangangahalati ang torneyo sa NBA games, angat na angat na sa statistical records ang Golden State Warriors superstar na si Stephen Curry.
Ang kanyang team din ngayon ang top team sa liga kung pagbabatayan ang dami ng naipanalo sa bagong season ng NBA na may 15 wins.
Si Curry na dating scoring champion ay number 2 ngayon sa points average at nangunguna naman sa three points.
Ayon sa ilang mga eksperto nakakamangha ang ipinapakitang performance ngayon ni Curry na hindi malayong masungkit ang MVP trophy sa ikatlong pagkakataon.
Samantala, pumapangalawa naman ngayon sa all-round game ang reigning MVP na si Nikola Jokic ng Denver Nuggets.
Sinasabing pagdating daw sa pagiging best player ay hindi rin magpapahuli ang big man ng Nuggets.
Nasa ikatlong puwesto naman para sa pinag-aagawang prestihiyosong MVP award ang beteranong si Kevin Durant ng Brooklyn Nets.
Sa edad na 33-anyos bidang-bida pa rin sa nagagawang puntos ang dati ring Finals MVP na si Durant.
Habang nasa pang-apat namang puwesto si Giannis Antetokounmpo sa rankings sa kabila na medyo inaalat sa mga laro ang NBA defending champion na sa Milwaukee Bucks.